Home > IDD Series, Reposts > SERIES: Countdown to the International Day of the Disappeared (IDD): 4 days to go!

SERIES: Countdown to the International Day of the Disappeared (IDD): 4 days to go!

LAHAT O WALA
Tula ni Bertolt Brecht
salin ni Jose F. Lacaba

Note: This poem was one of the poems read by Honor Ayroso in September 1995 in a voice recording he and his wife Dee made for their first born, who was then still in the womb. On February 9, 2002, Honor was abducted and disappeared with Bayan Muna coordinator Johnny Orcino in San Jose City, Nueva Ecija.
ALIPIN, sino ang magpapalaya?
Silang nasadlak sa dilim
Sila lamang ang papansin
Sa iyong mga hikbi at luha
Alipin din ang magpapalaya

Lahat o wala
Lahat o wala
Ang nag-iisa’y walang magagawa
Sandata o tanikala
Lahat o wala
Lahat o wala

TAONG GUTOM, sinong magpapakain?
Kung gusto mo ng kanin at ulam,
Halika, sumama ka sa amin
Kumakalam din ang aming tiyan
Taong gutom din ang magpapakain

Lahat o wala
Lahat o wala
Ang nag-iisa’y walang magagawa
Sandata o tanikala
Lahat o wala
Lahat o wala

BIKTIMA, sinong magtatanggol?
Ikaw na iginigupo ng bugbog
Dinggin ang mga nakalugmok
Ang mahihina’y malakas tumutol
Kasama, kami ang magtatanggol

Lahat o wala
Lahat o wala
Ang nag-iisa’y walang magagawa
Sandata o tanikala
Lahat o wala
Lahat o wala

API, sinong mangangahas?
Siyang hindi na makapagtiis
Siyang walang sawa na sa panggigipit
Ay nag-iibayo ng lakas
Lalaban tayo ngayon, at hindi bukas!

Lahat o wala
Lahat o wala
Ang nag-iisa’y walang magagawa
Sandata o tanikala
Lahat o wala
Lahat o wala

SOURCE: http://www.arkibongbayan.org/2008-08Aug30-intldaydesap/intldaydesap.htm

Advertisements
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: